NPA, patay sa engkwentro sa Sorsogon

894

Nasawi ang isang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa engkwentro sa Barangay Gulang-gulang, Irosin, Sorsogon.

Ito ay matapos na makasagupa ng mga miyembro ng 22nd Infantry Battalion ng Philippine Army ang nasa sampung rebelde.


Nakuha naman ng mga sundalo sa pinangyarihan ng sagupaan ang isang M16 rifle, anim na anti-personnel mines, commercial radios, 50-meter electrical wire at backpack.

Bago nito, nagsagawa ng security operation ang militar para alamin ang ulat ng mga residente sa ginagawang extortion at recruitment ng rebeldeng grupo.

Pinasalamatan naman ng militar ang mga residente sa pagkondena sa iligal na aktibidad ng NPA sa lugar.

Facebook Comments