NPA quad, patay sa bomb strike ng militar sa Sultan Kudarat

Patay ang isang pulutong ng New People’s Army (NPA) matapos hulugan ng GPS-guided smart bomb ng Philippine Airforce ang isang kampo sa Daguma Mountain Range sa Sultan Kudarat.

Ayon kay Joint Task Force Central 6th Army Division Commander Major General Juvymax Uy, inabisuhan ng mga residente at local officials ang militar na may ginagawang hakbang ang mga miyembro ng NPA sa lugar.

Dito na nagkasa ng ground assault kasunod ng airstrike na nauwi sa pagkakadiskubre ng NPA base camp sa Sitio Kalumutan, boundary ng Palimbang, Lebak, Kalamansig, at bahagi ng bayan ng Senador Ninoy Aquino.


Narekober sa blast site ang tatlong katawan ng mga nasawing rebelde, 100 bandolier bags, improvised explosive device, laptop, generators, nasirang armas at iba pang dokumento.

Ito ang unang pagkakataon na natunton ng pamahalaan ang Far South Regional Committee base camp matapos ang ilang taong operasyon sa Daguma Range.

Facebook Comments