Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na mabibigyan ng libreng bakuna kontra COVID-19 ang mga miyembro ng New People’s Army (NPA).
Sa kaniyang public address, inatasan ng Pangulo ang sundalo na tanggapin ang mga rebeldeng NPA para makakuha ng libreng bakuna.
Nilinaw ng Pangulo na magpapatuloy ang labanan kapag nakauwi na ang mga ito matapos silang mabakunahan.
Matatandaang inatasan ng Pangulo ang militar na pangunahan ang pagpapatupad ng libreng COVID-19 immunization program para sa 20 milyong mahihirap na Pilipino.
Facebook Comments