NPA Tinutugis Matapos ang Engkuwentro sa 84th IB

Kasalukuyang tinutugis ng 84th IB, 7ID, PA ang nakaengkuwentrong New Peoples Army kaninang umaga, Disyembre 13, 2017

Sa impormasyong nakuha ng RMN News Cauayan kay 1Lt Catherine Hapin, ang Chief ng Public Affairs Officer, 7ID, PA ay kanyang ibinahagi na nakaengkuwentro ng 84th Infantry (Victorious) Battalion ang mga komunistang NPA bandang 7:15 ngayong umaga sa Barangay Bunga, Carranglan, Nueva Ecija.

Ang engkuwentro ay nag-ugat sa impormasyon na ipinaabot ng mga naliligalig na mga residente sa presensiya ng mga NPA sa naturang lugar.


Agad nagkasa ng combat operation ang 84IB sa Carranglan, Nueva Ecija at kanilang nakalaban ang tinatayang 10 na mga NPAs sa Brgy. Bunga.

Agad ding umatras ang mga NPA nang matantiya nilang hindi nila kaya ang mga militar.

Ang 84IB troopers na pinamumunuan LTC George Bergonia INF (GSC) PA, ay naka rekober ng dalawang M16 rifles sa naturang engkuwentro.

Walang nasaktan sa panig ng mga sundalo samantalang inaalam pa kung may nalagas sa panig ng mga kumunista.

Facebook Comments