Wala nang aktibong guerilla fronts ang New People’s Army sa lahat ng rehiyon sa bansa.
Ito ang sinabi ni NTF-ELCAC Executive Director USec. Ernesto Torres Jr.
Sa kabila nito, tuloy-tuloy ang clearing efforts na gagawin ng NTF-ELCAC sa mga bagay na naimpluwensiyahan ng makakaliwang grupo sa pamamagitan ng kanilang Barangay Development Program.
Sabi ni USec. Torres, mayroon nang aprubadong ₱2.5 million na halaga ng mga development projects sa bawat benepisyaryong bgy.
Sa kabuuan, mayroong 864 barangay ang tinukoy na benepisyaryo ng proyekto.
Facebook Comments