Wala nang kakayahan ang New People’s Army na maimpluwensyahan ang nalalapit na 2025 midterm elections.
Ayon kay Lt. Col. Louie Dema-ala, tagapagsalita ng Philippine Army, humina na ang pwersa ng NPA.
Pero tiniyak ni Dema-ala na magpapatuloy ang mga internal security operations ng mga unit ng Sandatahang Lakas upang masiguro ang maayos at mapayapang eleksyon.
Samantala, patuloy ang paghimok ng pamahalaan sa mga natitira pang miyembro ng CPP-NPA na itigil na ang kanilang armadong pakikibaka at sumuko na sa pamahalaan.
Facebook Comments