NPC dismayado sa pag-aresto kay Maria Ressa

Manila, Philippines – Dismayado ang National Press Club (NPC) sa paraan ng pagkakaaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) kay Rappler CEO Maria Ressa.

Naniniwala ang National Press Club (NPC) na pinopolitika ang pag-aresto sa kontrobersyal na mamamahayag.

Ito ay dahil mistulang sinadya umano na isilbi ang arrest warrant laban kay Ressa sa kasong cyber libel kung kailan tapos na ang ‘office hours ‘ para matiyak na hindi makapagpiyansa ang journalist.


Dahil dito planong makipagpulong ang National Press Club (NPC) sa Department of Interior Local Government (DILG) para matiyak naipatupad mabuti ang 2001 NPC-DILG Memorandum of Agreement (MOA).

Nakasaad sa kasunduan na dapat abisuhan muna ng PNP ang NPC bago silbihan ng arrest warrant ang isang miyembro ng media na may kasong libel.

Facebook Comments