Ipagbabawal na ng National Privacy Commission (NPC) ang mga online lenders na ma-access ang personal information ng kanilang mga customer.
Ito ang tugon ng komisyon kasunod ng dumaraming reklamo hinggil sa privacy breach.
Batay sa inilathalang circular ng NPC, ang lahat ng lending at financing companies na mayroong contact list ng kanilang borrowers ay hindi na maaaring gamitin upang maiwasan ang unauthorized processing, access, o disclosure nito sa publiko.
Hindi na maaari ang unauthorized access sa phone contact o e-mail lists, social media contacts, pagkopya o pag-save ng mga impormasyon para sa pangongolekta ng utang o i-harass ang borrower.
Ang mga online lending apps ay kailangang mayroong hiwalay na interface kung saan maaring ibigay ng mga borrower ang kanilang character preferences.
Pakiusap ni NPC Commissioner Raymund Liboro, sa mga lending companies na alisin na ang feature sa kanilang application na humihingi ng contacts mula sa kanilang borrows.
Dapat naaayon ang kanilang apps sa prinsipyo ng Data Privacy Act.
Sa ngayon, aabot na sa tatlong lending companies ang sinampahan ng kaso ng NPC habang naka-ban naman ang nasa 26 na online apps.