NPC, iniimbestigahan na ang hacking incident sa PhilHealth

Iniimbestigahan na ng National Privacy Commission (NPC) ang nangyaring pang-ha-hack sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ng isang international ransomware group na ‘Medusa’.

Ayon sa NPC, napag-alaman ng kanilang Complaints and Investigation Division ang pagsuri sa 650 gigabytes (GB) na halaga ng datos na in-upload ng mga hacker sa isang website at isang Telegram channel.

Naglalaman ito ng 734 GB na halaga ng datos kabilang ang mga sensitibo at personal na impormasyon.


Kaya inilunsad ng ahensya ang full scope investigation upang malaman kung nagkaroon ng kapabayaan ang PhilHealth at mapanagot ang mga sangkot na opisyal.

Sinabi ng NPC, na posibleng maharap sa paglabag sa Data Privacy Act of 2012 ang PhilHealth.

Muli namang nanawagan ang ahensya sa publiko, na protektahan ang sarili sa data breach sa paggamit ng malakas na password combination, multi-factor authentication, at iwasang i-entertain ang mga kahina-hinalang calls, email, link, at text.

Facebook Comments