NPC, iniimbestigahan na ang nangyaring personal data breach sa isang telco

Sisimulan na ng National Privacy Commission (NPC) na imbestigahan ang naganap na personal data breach ng mga subscriber ng Globe Telecom.

Ito ay matapos na ihayag ng Globe na mayroong 8,851 na mga prepaid customers ang naapektuhan.

Ayon kay NPC Commissioner Raymund Liboro, nakikipag-ugnayan na sa nasabing telecom company para malaman ang puno’t dulo ng pangyayari.


Dahil dito, pinayuhan niya ang mga naapektuhang subscribers na i-monitor ang kanilang mga online at offline accounts para makita kung may mga kakaibang aktibidad at agad nila itong i-report sa kanila.

Nabatid na ang mga naapektuhan ay mga prepaid customers na bumili ng mga concert tickets sa mga nakaraang events ng Globe.

Facebook Comments