Muling pinaalalahanan ng National Privacy Commission (NPC) ang publiko laban sa nauusong text scams na kagagawan ng mga organized global syndicate.
Kasunod ito ng mga reklamong natatanggap ng NPC hinggil sa mga text messages na umano’y nag-aalok ng trabaho.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni NPC Chairman Raymund Liboro na maging ang mga kriminal ay online na rin kung manloko ng mga tao.
Kaya payo niya sa mga makakatanggap ng text scam messages:
Huwag basta magbibigay ng anumang impormasyon
I-block ang numerong nagpapadala ng scam messages at;
I-report ito sa mga awtoridad
Samantala, ipinatawag na ng NPC ang mga data protection officer ng mga Telco para pagpaliwanagin kung paano nakakalusot sa kanilang sistema ang mga ganitong text scam messages.