NPC, nanawagang huwag maging kampante kahit pa sumuko ang isang suspek sa pagpatay kay Percy Lapid

Hindi pa rin dapat makampante ang lahat sa kasong pagpatay sa beteranong brodkaster na si Percy Lapid sa kabila ng pagsuko ng umano’y gunman nito.

Ayon kay National Press Club (NPC) President Lydia Bueno, makatutulong ang pagsuko ng gunman na kinilalang si Joel Estorial para sa tuluyang ikalulutas ng naturang kaso.

Pero sinabi ng pangulo ng NPC na bagama’t sinabi ni Estorial na galing sa loob ng New Bilibid Prison ang kumontrata at nag-utos sa kanya na ipapatay si Lapid kapalit ng halagang P550,000.00, kailangan pa rin ng masusing imbestigasyon sa iba pang detalye na may kinalaman dito para matukoy ang mastermind.


Umaasa ang NPC na tuluyang makakamit ng pamilya ni Percy ang hustisya sa lalong madaling panahon.

Ito’y sa pamamagitan ng pagtutulungan ng mga awtoridad sa pangunguna ng Bureau of Corrections na pinamumunuan ni Director General Gerard Bantag, Sec. Benhur Abalos ng Department of the Interior and Local Government, Sec. Crispin Remulla ng Department of Justice at General Rodolfo Azurin Jr., ng Philippine National Police.

Facebook Comments