NPC, pabor sa pahayag ni Pangulong Duterte na isama ang media sa drug operation ng PNP

Manila, Philippines – Walang tutol si National Press Club President Paul Guitterez sa pahayag ni Pangulong Rodirgo Duterte na isama ang media sa mga pagsalakay ng mga pulis sa kanilang isasagawang operasyon na may kinalaman sa ilegal na droga.

Ito ay para mawala ang hinala ng publiko na pinapatay ng mga pulis ang mga drug addict at pusher na nanlalaban sa kanilang lehitimong operasyon.

Ayon kay Guitterez nuon pa man ay sumasama na ang media sa mga drug operation ng mga pulis kayat hindi na ito bago sa mga mamahayag na magkober sa mga drug operation ng PNP.


Taliwas naman ito sa posisyon ng Nationalist Union Journalist of the Philippines.
Ayon kay National Union of Journalists of the Philippines acting Chair. Atty. Jo Clemente hindi na kailangan ng media para lamang patunayan na legal ang kampanya ng Philippine National Police (PNP) sa anti-illegal drugs operations.

Maaring daw maalis ang pagdududang ito ng publiko kung tama naman ang kanilang ginagawa.
Anya, para mapatunayan sensero ang PNP sampahan ng kaso ang mga pulis na mapapatunayang sangkot sa ilegal na gawain.

Facebook Comments