Manila, Philippines – Pagpapaliwanagin ng National Privacy Commission ang Philippine National Police (PNP) tungkol sa ginagawang profiling sa mga miyembro ng Alliance of Concerned Teachers (ACT).
Ang ACT, ay affiliated sa makakaliwang grupong Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) na umano ay sinasabing front organization ng Communist Party of the Philippines (CPP).
Ayon kay Privacy Commissioner Raymund Liboro – dapat maipaliwanag ng PNP data protection unit ang tungkol sa reported intelligence gathering operations nito sa mga gurong miyembro ng ACT.
Iginiit ng NPC na may limitasyon ang pangangalap ng personal data ang mga law enforcement agencies.
Facebook Comments