Hinimok ng National Privacy Commission (NPC) ang mga online consumers na itapon nang maayos ang shipping labels lalo na at naglalaman ito ng personal information.
Ito ang paalala ng komisyon sa gitna ng mataas na pagtangkilik sa online shopping ngayong Christmas season.
Ayon sa NPC, ang mga shipping labels ay naglalaman ng pangalan, edad at contact number kaya kung hindi ito naitapon nang maayos, pwede itong mapasakamay ng masasamang loob.
Mungkahi ng ahensya, lagyan ng shading ang shipping labels gamit ng permanent marker para takpan ang personal details.
Mas makabubuti rin kung punitin o i-shred ang mga label.
Sa susunod na ‘unboxing,’ payo ng NPC ay “think before you dispose!”
Facebook Comments