NPC, sinabing wala pang matibay na ebidensya na mula sa contact tracing forms ang laganap ngayong spam messages

Wala pang direktang ebidensya na makakapag-ugnay na sa mga contact tracing o health declaration forms nga galing ang mga numerong nabibiktima ngayon ng spam messages.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni National Privacy Commission (NPC) Commissioner Raymund Liboro na posibleng international organized syndicate group ang nasa likod nito.

Maaari aniyang nakuha nila ang datos mula sa mga dati na nilang na-hack na website at gumagamit ng mga numero na nakuha nila sa malalaking data base.


Bagama’t napagsabihan na nila ang mga nangongolekta ng datos sa contact tracing o health declaration forms ay tila mahirap naman kung dito galing ang impormasyon dahil mahirap kung ito ay iisa-isahin.

Kasunod nito, sinabi ni Liboro na ginagalugad na rin nila ang dark web upang malaman kung mayroong nagte-trade ng mga numero ng ating mga kababayan na siyang ginagamit sa usong-uso ngayon na budol o text scam.

Facebook Comments