NPC tiniyak na magtutuloy-tuloy ang ginagawa nilang imbestigasyon sa passport data breach

Hindi binabalewala ng National Privacy Commission (NPC) ang passport data breach.

Ito ay sa kabila nang sinabi ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin na imposible para sa private contractor na nakawin ang personal data ng mga passport holder na apektado ng data breach

Ayon kay NPC Commissioner Raymund Liboro, magtutuloy-tuloy ang ginagawa nilang imbestigasyon kahit na tila kumambyo ang DFA.


Idinagdag pa ni Liboro – hindi ito dapat balewalain lalo at mga impormasyon tungkol sa Philippine passport holders ang nakataya.

Inimbitahan din ng NPC sa imbestigasyon sa Lunes ang Apo Production Unit, Inc. na may kontrata sa DFA para sa pag-imprenta ng mga pasaporte.

Facebook Comments