NSC Adviser Hermogenes Esperon, hindi muna isinalang sa pagpapatuloy ng oral arguments sa Anti -Terror petitions

Bago ang pagpapatuloy ng oral arguments kanina kaugnay ng Anti-Terror Act, nagsagawa muna ng special session ang mga mahistrado ng Korte Suprema.

Inatasan din si National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr., na magkomento sa Korte Suprema sa omnibus motion ng mga petitioners.

Kasunod ito ng kahilingan ng petitioners na alisin sa record ng proceedings ang mga testimonya, video presentation at annotation o red-tagging ni Esperon sa huling oral arguments noong Miyerkoles.


Nagdesisyon din ang mga mahistrado na huwag na munang ituloy ang interpelasyon kay Esperon kanina.

May mga karagdagang katanungan din kay Esperon ang mga mahistrado na kailangan nitong tugunan sa pamamagitan ng memoranda at pagkatapos ay mag-iisyu ng resolusyon dito ang Supreme Court.

Nag-isyu rin ng show cause order ang Korte Suprema laban kay Atty. Theodore Te.

Pinagpapaliwanag ng Kataas-taasang Hukuman si Te kaugnay ng inilabas nito sa social media na may kinalaman sa tinatalakay sa oral arguments .

Naglabas din kanina ang Supreme Court ng kanilang posisyon sa tinatalakay na Anti-Terrorism Act bilang mga amicus curiae o friends of the court sina dating Chief Justice Reynato Puno at dating Associate Justice Francis Jardeleza.

Tinapos na rin kanina ang oral arguments sa 37 petisyon na kumukuwestiyon sa legalidad ng nasabing batas.

Ayon kay Chief Justice Alexander Gesmundo, pinagsusumite ng memoranda ang mga partido batay sa issue – clustering na napag -usapan at dito ibabatay ang resolusyon na ipalalabas ng Supreme Court.

Facebook Comments