NSC Adviser Hermogenes Esperon, pinadidistansya ng petitioners sa susunod na oral arguments sa Anti-Terror Act

Hiniling sa Korte Suprema ng petitioners sa Anti-Terror Law na huwag nang isali sa susunod na oral arguments si National Security Adviser Hermogenes Esperon.

Sa kanilang inihaing omnibus motion, hiniling din ng petitioners sa Supreme Court en banc na burahin ang lahat ng mga naging testimonya, video presentation at annotation ni Esperon sa oral arguments noong May 12.

Ito ay dahil hindi naman anila tumutugon sa mismong isyu na dinidinig sa korte ang nasabing video presentation.


Magugunitang nitong Miyerkules sa pagharap ni Esperon sa oral arguments, hiniling nitong maipanood ang video ni CPP-NPA-NDF Founder Joma Sison na tinawag nitong “master-red tagger”.

Dito rin inanunsyo ni Esperon sa mga mahistrado ang gagawin niyang paglalabas sa mga pahayagan ng listahan ng mga terorista sa bansa.

Facebook Comments