Hinikayat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang National Security Council (NSC) at National Intelligence Coordinating Agency (NICA) na ipagpatuloy ang pagtataguyod ng interes at seguridad ng mga Pilipino.
Ito ang pahayag ni Pangulong Marcos Jr., sa joint anniversary celebration ng NSC at NICA kung saan kinilala rin nito ang hindi matatawarang serbisyo ng dalawang ahensya na siyang nangunguna sa pagtiyak ng pambansang seguridad sa loob ng mahigit pitong dekada.
Sinabi pa ng presidente na patuloy na umaasa sa NSC at NICA ang sambayanang Pilipino sa pagtataguyod ng isang bansa kung saan ang lahat ay nagkakaisa, nagtutulungan, at nagkakapit-bisig para sa pagpapabuti ng kalagayan ng bawat buhay ng Pilipino.
Tinukoy naman ng pangulo ang ilang usapin na maikokonsidera ang national concerns, kabilang na rito ang banta sa territorial integrity at soberenya; terorismo at local communist insurgency; mga banta sa cybersecurity; at, mga panganib na dala ng pabago-bagong klima o climate change.
Ang NSC ay nagdiwang kahapon, Hulyo 20, ng kanilang ika-73 taong anibersaryo habang 74th Founding Anniversary naman ng NICA sa kaparehong petsa.