NSC, binalasa ni PBBM; VP Sara at mga dating pangulo ng bansa, inalis na bilang miyembro ng konseho

Naglabas ng kautusan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nagrere-organisa ng National Security Council (NSC).

Ayon sa Pangulo, kinakailangang tiyakin na ang NSC ay mananatiling handa sa pagharap sa mga isyu sa seguridad sa gitna ng mga patuloy na hamon, kaya’t isinagawa ang reorganisasyon.

Sa ilalim ng Executive Order No. 81, ang konseho ay pamumunuan ng Pangulo at bubuuin ng Senate president, House Speaker, Senate president pro-tempore, tatlong deputy speakers na itatalaga ng House Speaker, Senate’s Majority at Minority Floor leaders, at House Majority and Minority Floor leaders.


Kabilang din sa konseho ang Executive Secretary, National Security Adviser, mga kalihim ng Department of Foreign Affairs (DFA); Department of Justice (DOJ); Department of National Defense (DND); Department of the Interior and Local Government (DILG); Department of Labor and Employment (DOLE); at Presidential Communications Office (PCO), Chief Presidential Legal Counsel; Presidential Legislative Liaison Office head, at iba pang government officials at private citizens na maaaring italaga ng Pangulo.

Habang kinakailangan namang dumalo sa mga pulong ng NSC ang director-general ng National Intelligence Coordinating Agency, chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police, and director ng National Bureau of Investigation (NBI).

Samantala, kapansin-pansin naman na inalis sa pagiging miyembro ng NSC ang Vice President at maging mga dating naging Pangulo ng bansa, pero wala pang tugon ang Malacanang patungkol dito.

Facebook Comments