NSC, dapat i-convene kaugnay sa Recto Bank incident

Manila, Philippines – Iminungkahi ni Senador Richard Gordon kay Pangulong Rodrigo Duterte na pulungin ang National Security Council (NSC) para mailatag ang nararapat na aksyon ng Pilipinas kaugnay ng Recto Bank incident.

Kasama rin aniya sa mga dapat talakayin ay ang presensya ng mga foreign vessel sa karagatang sakop ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng bansa.

Ksabay nito, pinagsabihan ni Gordon ang mga miyembro ng gabinete na huwag ng magsalita para hindi gumulo ang sitwasyon.


Sinang-ayunan naman ni Gordon ang pahayag ng Pangulo na hindi dapat mauwi sa giyera ang usapin.

Pero aniya, dapat na magkaroon ng nagkakaisang posisyon ang bansa para mapanagot ang China.

Facebook Comments