Dumepensa ang National Security Council (NSC) sa paglalagay nila ng limang cardinal mark buoys o boya sa paligid ng West Philippine Sea.
Ayon kay National Security Adviser Eduardo Año, inilagay ito bilang pagkilala sa soberenya ng Pilipinas at ang pangangailangan na mapangalagaan ang territorial waters nito.
Dagdag pa ni Año, sumusunod ang bansa sa obligasyon nito sa ilalim ng international laws.
Magugunitang binatikos ng Vietnam ang paglalagay ng Philippine Coast Guard ng boya sa WPS at ang pag-deploy ng China ng tatlong parola sa paligid ng Spratlys Islands at sinabing nilalabag nito ang kanilang sovereign rights.
Facebook Comments