NSC, iginiit na nilabag ng China ang soberenya ng Pilipinas

Muling iginiit ng National Security Council (NSC) na nilabag ng China Coast Guard (CCG) at Maritime Militia na nilabag nito ang soberenya ng Pilipinas sa Ayungin Shoal.

Ito’y matapos ang ginawang pagbangga ng barko ng China sa mga barko ng Pilipinas na nagsasagawa ng resupply mission sa Ayungin Shoal.

Ayon kay NSC Assistant Director General Jonathan Malaya, ang patuloy na panghaharang at panghihimasok ng mga barko ng China sa pagsasagawa ng regular at routine resupply missions ay maaaring magresulta sa hindi inaasahang insidente.


Ayon kay Malaya, walang karapatan ang China sa mga karagatan sakop ng bansa lalo na sa Ayungin Shoal.

Dagdag pa ni Malaya, walang legal na basehan at hindi rin totoo ang pahayag ng China na nagkakasa sila ng aktibidad ng naaayon sa batas sa West Philippine Sea (WPS).

Bagama’t walang nasaktan o nasawi sa insidente, ang iresponsableng at delikadong hakbang ng China ay malinaw na inilalagay nito sa alanganin ang kaligtasang ng mga Pinoy crew.

Bagama’t matagumpay na nakarating ang barkong Unaiza May 1 sa BRP Sierra Madre at nakapagpadala ng supply, nagkaroon naman ng sira ang isa pang barko na Unazia May 2 matapos mabangga kaya’t hindi na natuloy ang resupply mission.

Kaugnay nito, muling iginiit ng NSC na ang Ayungin Shoal ay bahagi ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas at walang karapatan dito ang China.

Ang maikling pahayag ni NSC Assistant Director General Jonathan Malaya sa isimagawang press briefing kasama ang Department of Foreign Affairs (DFA), Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine Coast Guard (PCG).

Facebook Comments