NSC, itinanggi ang claim ng China may partisipasyon ang US sa Ro-Re mission ng Pilipinas

Mariing itinanggi ng National Security Council (NSC) na may partisipasyon ang Estados Unidos sa naging re-supply mission ng Pilipinas sa tropa ng pamahalaan na nasa Barko ng Republika ng Pilipinas (BRP) Sierra Madre.

Sinabi ni NSC Asst. Director General Jonathan Malaya na walang basehan ang claim ng China na ginagatungan umano ng US ang probokasyon ng Pilipinas.

Ani Malaya, ang misyon sa Bajo de Masinloc at Ayungin Shoal ay solong lakad ng Pilipinas, gamit ang Philippine vessels at Philippine troops.


Kasunod nito, hinimok rin ng opisyal ang China na maging maingat sa paglalabas ng mga statement ng walang basehan o ebidensya.

Facebook Comments