Kinumpirma ni National Security Council (NSC) Asst. Director General Jonathan Malaya na kasalukuyan nang nangangalap ng ebidensiya ang bansa laban sa China hinggil sa mga iligal na gawain umano ng Beijing sa West Philippine Sea (WPS).
Ayon kay Malaya, ang ebidensya ay isusumite sa Department of Justice (DOJ) at Office of the Solicitor General (OSG) upang maisakatuparan ang susunod na legal na aksyon ng bansa laban sa China.
Tumanggi namang magbigay ng iba pang detalye si Malaya sapagkat ito ay kasalukuyan pa umanong sinusuri ng DOJ.
Aniya, kanilang tinitiyak na sapat at mabigat ang mga ihahaing ebidensiya dahil hindi umano sila tutuloy sa korte kung hindi maipapanalo ang kaso.
Facebook Comments