NSC, nanawagan na magsagawa ng international inspection sa Bajo de Masinloc

Nanawagan ang National Security Council (NSC) ng international inspection sa Bajo de Masinloc kasunod ng pagtanggi ng China sa pagkasira ng kapaligiran sa kabila ng malinaw na ebidensya mula sa Philippine Coast Guard (PCG).

Ayon sa NSC, naidokumento ng PCG magmula pa noong 2016 ang mga mangingisdang Chinese na nagta-transport umano ng maraming protektadong marine species, kabilang ang mga higanteng kabibe, sea turtles, puffer fish, stingray, at iba pa.

Binigyang-diin ni NSC Asst. Director General Jonathan Malaya, na ang mga aktibidad na ito ay lumalabag sa Convention on International Trade in Endangered Species o CITES.


Mariin namang itinanggi ng China ang mga paratang, kaya pinaiigting ng NSC ang panawagan sa mga third party inspector mula United Nations o mga respetadong organisasyong pangkapaligiran na masuri ang sitwasyon sa Bajo de Masinloc.

Dagdag pa ni Malaya, ang panawagang ito ay naglalayong tiyakin ang transparency, protektahan ang karagatan at ang kapaligiran ng naturang isla.

Facebook Comments