Inihayag ng pamunuan ng Department of Education o DepEd na kailangan nakauwi sa kani-kanilang mga probinsya ang mga dumalo na mga estudyante sa National School Press Conference o NSPC at National Festival of Talent o NFOT.
Ayon kay DepEd Undersecretary Alain Pascua, kung sakaling maabutan sila ng domestic travel ban sa Metro Manila, ang regional coordinator, ay dapat mag sumete ng listahan ng mga delegates at kanilang distinasyon sa opisina ng DepEd.
Upang, aniya, makahingi sila ng tulong sa Armed Forces of the Philippines o AFP upang maihatid sila sa kanilang mga probisnya.
At para rin, aniya, mabigyan sila ng travel exemptions at makahingi ng tulong sa Local Government Unit (LGU) buses.
Pwede rin, aniya, na i-divert ang biyahe, na sa halip mula Manila airport, i-divert to sa Clark Pampanga Airport patungo sa kanilang destinasyon.
Ang NSPC ay ginaganap ngayon sa Tuguegarao City at ang NFOT naman sa Iligan City na nagsimula noon March 9 at matatapos ngayong araw, March 13.
Kagabi, inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang suspension sa land, domestic air, at domestic sea travel sa papasok at lalabas ng Metro Manila na epektibo sa Lingo, March 15, dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa Metro Manila.