NTC, binantaan na ipaghaharap ng administrative complaint sakaling magpalabas ng provisional franchise para sa ABS-CBN

Nagbanta si Atty. Larry Gadon na ipaghaharap ng administrative complaint si National Telecommunications Commission Commissioner Gamaliel Cordoba sandaling mag-isyu ito ng provisional franchise sa ABS-CBN.

Ginawa ni Gadon ang statement kasunod ng ipinahayag ni House Speaker Allan Peter Cayetano na walang intensyon na layuning ipasara ang TV Network.

Sumulat ang Kamara sa NTC na magbigay ng provisional franchise sa TV network.


Balak din ni Gadon na humiling ng Temporary Restraining Order sa Supreme Court upang pigilan ang NTC na sundin ang utos ni Cayetano.

Ani Gadon, dapat ay mag-ingat si Cayetano sa kaniyang ipinapahayag dahil ang isyu ay Korte Suprema ang magreresolba.

Magugunita na naghain ng petisyon sa SC ang impeachment lawyer upang hilingin na ipatigil ang pagpapatupad ng sulat ng Kamara sa NTC na payagan ang operasyon ng TV Network

Ito ay sa dahilang walang otoridad ang NTC na mag-isyu ng provisional franchise sa isang TV Network kung ito ay walang existing na valid na legislative franchise.

Facebook Comments