Pinapasibak ni senate minority leader frankdlin drilon ang mga commissioners ng National Telecommunications Commission (NTC) dahil sa pagiging incompetent at pag-abuso makaraang ipatigil ang operasyon ng ABS-CBN.
Diin pa ni Drilon, nagdulot din ng perwisyo sa lipunan ang hakbang ng NTC dahil 11,000 mga empleaydo ng ABS-CBN ang mawawalan ngayon ng trabaho habang may krisis dulot ng COVID-19 pandemic.
Giit pa ni Drilon, ipinakita din ng NTC commissioners ang kawalan ng alam sa batas dahil nila isinaalang alang ang opinyon ng Department of Justice (DOJ) na maari pa ring mag-operate ang ABS-CBN habang nakabinbin pa ang aplikasyon nito para sa franchise renewal.
Para kay Drilon, hindi na mapagkakatiwalaan ang mga opisyal ng NTC na makakaganap ng tama sa kanilang tungkulin base sa itinatakda ng batas matapos nitong hindi tuparin ang pangako sa Kongreso na bibigyan muna ng provisional authority ang ABS-CBN para makapag-operate.
Samantala, inihain ngayon ng 13 Senador ang Senate Resolution Number 395 na humihiling sa NTC na bawiin ang pagpapatigil nito sa operasyon ng ABS-CBN.
Ang resolusyon ay ini-akda at nilagdaan nina Senators
Risa Hontiveros,
Ralph Recto,
Franklin Drilon,
Juan Miguel Zubiri,
Kiko Pangilinan,
Joel Villaneuva,
Sonny Angara,
Nancy Binay,
Lito Llapid,
Manny Acquiao,
Pia Cayetano,
Win Gatchalian, at
Leila De Lima