Tinawag ni Atty. Larry Gadon na inutil at sunod-sunuran sa ABS-CBN ang mga National Telecommunication Commission (NTC) Commissioners.
Sa isang statement, sinabi ni Gadon na kahit batid ng NTC na lumalabag na ang ABS-CBN sa patuloy nitong pag-e-ere at pag-broadcast sa pamamagitan ng cable at TV plus gamit ang Channel 43, wala itong ginawang kaukulang aksyon.
Lumilitaw aniya na sunud-sunuran lang ang NTC partikular nang mag-ere at maningil ng pay-per-view ang network sa Pacquiao-Mayweather Boxing Bout.
Tinawag pa ni Gadon na palusot ang dahilan ng NTC na may inihaing asunto sa ABS-CBN sa Supreme Court kung kaya’t hindi sila kumilos.
Aniya, dahil wala namang inisyung Temporary Restraining Order (TRO) ang Supreme Court, hindi dapat ito hadlang upang gawin ang kanilang tungkulin na ipatupad ang batas.
Naniniwala si Gadon na posibleng makasuhan sa Ombudsman ang NTC Commisioners dahil sa pagpapabaya sa tungkulin.