Dumipensa ang National Telecommunications Commission (NPC) sa kanilang pagbili ng 44 units ng smartphones na nagkakahalaga ng ₱2.1 million.
Sa isang statement, nilinaw ni NTC Deputy Commissioner Delilah Deles na naipaliwanag na ng komisyon ang nasilip ng Commission on Audit (COA) na may kaugnayan sa pagbili ng 15 pirasong Samsung Galaxy S9 phones at 29 na piraso ng Samsung Galaxy S10 phones.
Ani Deles, kailangan ng NTC ng mga high-powered mobile phones upang epektibong ma-monitor ang internet data speed ng mga mobile network providers.
Hindi rin aniya ito napakagastos at dumaan sa competitive public bidding.
Sinagot din ni Deles ang obserbasyon ng COA na hindi naman nagamit sa tunay na layunin ang mga nabiling high-end smart phones.
Naipamahagi aniya ang mga ito sa mga branch directors at sa kanilang mga technical staff na nagmo-monitor sa serbisyo ng mga telecommunications companies.