NTC, hinihintay na makapaglagak ng performance bond ang 3rd telco

Manila, Philippines – Hinihintay na lang ng National Telecommunications Commission o NTC na makapaglagak ang third telco na Mislatel ng kanilang performance bond.

Ayon kay Department of Information and Communications Technology Secretary Eliseo Rio Jr., oras na makapaglagak na ang Mislatel ng mahigit 25 milyong pisong performance bond ay pwede na silang mabigyan ng frequency at authority to operate.

Aniya, target itong makumpleto ng Mislatel sa katapusan ng Hunyo o sa unang linggo ng Hulyo.


Facebook Comments