Inatasan ng National Telecommunications Commission o NTC ang mga telecom companies na maghatid ng uninterrupted services ngayong araw, kasabay ng midterm elections.
Sa ilalim ng memorandum order 02-05-2019, minamandato ng NTC ang mga telco na gawing prayoridad ang Commission On Elections (Comelec), at tiyaking available ang kanilang operasyon sa kabuoan ng eleksyon.
Ang memorandum ay nilagdaan ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba at Deputy Commissioneers Edgardo Cabarios, at Delilah Deles.
Facebook Comments