Ipinag-utos ng National Telecommunications Commission (NTC) ang agarang pagsasa-ayos ng telecommunication services sa mga lugar na binayo ng Bagyong Rolly.
Sa memorandum, inatasan ng NTC ang lahat ng public telecom entities na pabilisin ang pagkilos ng kanilang technical at service personnel at equipment sa mga lugar na naapektuhan ng bagyo.
Iginiit ng NTC na importante ang komunikasyon para sa pagbabalik ng negosyo, distance learning at maipatupad ang rescue at recovery operations.
Inatasan din ang mga telco na mag-report sa NTC sa kada anim na oras para sa mga nagpapatuloy na restoration activities.
Hiniling din ng NTC sa mga telco na magsumite ng timeline para sa full restoration ng kanilang serbisyo.
Facebook Comments