NTC ipinag-utos ang uninterrupted telco services sa gitna nang holiday celebrations at pananalasa ng bagyong Ursula

Mahigpit na inatasan ng National Telecommunications Commission (NTC) ang lahat ng public telecommunications entities (PTEs) na magkaloob ng  uninterrupted services sa publiko sa gitna nang selebrasyon ng holiday season at pananalasa ng bagyong Ursula.

Salig sa dalawang memoranda na inisyu ng NTC, inaatasan ang PTEs na siguruhin ang pagbibigay ng sapat na serbisyo, maintenance, and support personnel para matiyak ang 99.999% network availability and reliability.

Kailangan din umanong magpatupad ang mga ito ng kinakailangang adjustments para maserbisyuhan ang publiko sa hindi inaasahang pagtaas ng airwaves traffic ngayong panahon ng kapaskuhan at sa bagong taon.


Kailangan din ihanda ang mga mobile cellsites sa mga lugar sa Visayas at Mindanao na apektado ng bagyong Ursula.

Ang iba pang adjustments na kinakailangan ay ang pagpapakalat ng standby generators na extra fuel, tools, and spare equipment.

Saklaw ng kautusan ni Commissioner Gamaliel A. Cordoba ang lahat ng serbisyo ng mga PTEs kabilang ang internet access services.

Samantala, sa mga lugar naman na apektado ng bagyo, kailangan ipagkaloob ang libreng tawag at free charging stations.

Ang mga naturang kautusan ay kailangang agad at mahigpit na isakatuparan salig sa utos ng NTC.

Kamakailan, ay pinarangalan ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) ang NTC  pati na ang kanilang Freedom of Information (FOI) officer na si Divine Daquioag dahil sa pagtugon ng 99% outstanding performance rate sa electronic FOI portal.

 

Facebook Comments