NTC, may hurisdiksyon sa ABS-CBN at TV5 merger – Rep. Marcoleta

Sinuportahan ni SAGIP Party-List Representative Rodante Marcoleta ang paggigiit ng National Telecommunications Commission (NTC) ng hurisdiksyon sa napapaulat na merger deal sa pagitan ng ABS-CBN at TV5.

Sa Congressional inquiry na ipinatawag ng House Committees on Legislative Franchises, at Trade and Industry, nagpahayag ng suporta si Marcoleta sa Memorandum Order (MO) No. 003-06-2022 ng NTC na nagbabawal sa sa mga franchisees na makipagtransaksyon sa “errant” parties.

Ayon kay Commissioner Gamaliel A. Cordoba sa ilalim ng NTC MO No. 003-06-2022, ang commercial transactions gaya ng pinasok ng ABS-CBN at TV5 ay pasok sa mandato at hurisdiksyon ng NTC.


Sinabi ni Marcoleta na para makakuha ng approval mula sa NTC ang ABS-CBN at TV5 ay dapat magsumite ng clearance of “no outstanding obligation” mula sa mga ahensya ng gobyerno kabilang ang LGUs.

Bago ang pagdinig, kapwa nag-isyu ng pahayag ang ABS-CBN at TV5 at sinabing ihihinto muna pansamantala ang kanilang closing preparations para matugunan ang mga isyu at pagtutol ng ilang mambabatas.

“Ang sinasabi natin dito, kinakailangan ba payagan natin sila kaagad na makasakay sa ibang prangkisa ng hindi po nase-settle etong napakaraming mga sagutin na ito at obligation na taong bayan na po ang nakakaalam noong tayo po ay nagkaroon ng malawakang public hearing dito,” ayon kay Marcoleta.

Noong 2020, malaki ang ginampanan ni Marcoleta sa hindi pagpapalabas ng prangkisa sa ABS-CBN dahil sa mga naging paglabag ng network.

Facebook Comments