Nagtakda ang pamahalaan ng criteria para malaman ang kalidad ng serbisyong ibinibigay ng telecommunication companies.
Ito ang tugon ng Malacañang matapos banatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Smart Communications at Globe Telecom dahil sa mahinang serbisyo.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, kasama sa criteria ng National Telecommunications Commission (NTC) ang dropped calls at signal quality.
Binigyang diin ni Roque na ang mga telco na ginawaran ng certificate of public convenience ay dapat ginhawa ang ibinibigay sa publiko at hindi perwisyo.
Para kay Roque, napakahalaga ng komunikasyon at internet sa panahong ito.
Nararapat lamang na ayusin ng dalawang telco ang kanilang serbisyo magkaroon man o hindi ng pulong ang kanilang kinatawan kay Pangulong Duterte para pag-usapan ito.