NTC, nagbabala sa publiko laban sa nag-aalok ng serbisyo sa social media para tumulong sa pagpaparehistro ng SIM cards

Nagbabala ang National Telecommunication Commission o NTC sa publiko laban sa mga nag-aalok ng serbisyo sa social media para sa pagparerehistro ng SIM card.

Ginawa ang babala ng NTC matapos na makatanggap ng reklamo na may ilang netizen ang nag-aalok ng kanilang serbisyo para tulungan ang mga hirap makapagparehistro ng SIM card kapalit ang bayad.

Sinabi ni NTC Deputy Commissioner Jon Paulo Salvahan na posibleng magamit ng mga masasamang loob sa identity theft ang mga impormasyon ng isang SIM card user kung sa ibang tao ito magpaparehistro.


Dagdag pa ng NTC na libre ang registration ng SIM card at nagtayo na rin ang telcos ng mga helpdesk at kiosk sa iba’t ibang bahagi ng bansa para tumulong sa mga nais magparehistro.

Facebook Comments