NTC, nagbabala sa publiko na ‘di na palalawigin pa ang deadline sa pagpaparehistro ng SIM cards

Nagbabala ang National Telecommunications Commission (NTC) sa publiko na ito na ang huling pagkakataon na palalawigin nila ang deadlinesa pagpparehistro ng SIM cards.

Kaya naman muling nanawagan ang Department of Information and Communications Technology (DICT) sa publiko na irehistro na ang kanilang mga SIM cards bago sumapit ang pinal na deadline nito sa Hulyo 25, 2023.

Kasabay nito, iniulat ng DICT na nitong Mayo 8, umaabot pa lamang sa 95,029,414 ang bilang ng mga rehistradong SIM card sa bansa, sa ilalim ng SIM card registration law.


Ang naturang bilang ay 56.56% ng kabuuang 168,016,400 subscribers sa bansa, na naitala hanggang noong Disyembre 2022.

Facebook Comments