Umabot na sa 100 milyon ang bilang ng mga SIM card na rehistrado na hanggang nitong June 20, 2022.
Batay sa pinakahuling tala ng National Telecommunications Commission (NTC), 100,048,884 ang rehistradong SIM cards.
Ang naturang bilang ay katumbas na ng 59.55% ng halos 169 milyong telco subscribers sa bansa.
Mula sa bilang na ito, 47.272 milyon na ang nakarehistro sa Smart Communications Inc., o katumbas ng 71.30% ng kanilang subscribers.
45.868 milyon naman ang nairehistro na sa Globe Telecom Inc., o katumbas ng 52.88% ng kanilang subscribers habang umakyat na rin sa 6.9 milyon ang nakarehistrong SIM sa DITO Telecommunity.
Una nang ini-extend ng Department of Information and Communications (DICT) ang SIM registration sa bansa hanggang sa July 25.
Ang mga bigong makakapagrehistro ay awtomatikong made-deactivate ang SIM at hindi rin makagagamit ng digital apps at iba pang online services na mangangailangan ng two-step verification.