Nagbabala ang National Telecommunications Commission (NTC) sa publiko laban sa mga text scam kasabay ng pagsisimula na bukas ng SIM registration.
Ayon kay Director Ella Lopez ng NTC, partikular na pinag-iingat ang publiko sa mga gumagamit sa batas para mahingi ang personal information ng kanilang nabibiktima.
Ani Lopez, inabisuhan na nila ang mga telcos na i-block ang mga cellphone number o SIM card ng mga nanloloko.
Aniya, bisitahin lamang ang mga official website o social media page ng mga telcos upang malaman ang proseso ng sim card registration.
Giit ni Lopez, dapat magduda kung numero lang ang nakikita at huwag basta mag-click ng link.
Facebook Comments