NTC, pinagpapaliwanag ni Senate President Chiz Escudero patungkol sa pagpapatupad ng Sim Registration Act

Pinagpapaliwanag ni Senate President Chiz Escudero ang National Telecommunications Commission (NTC) hinggil sa implementasyon ng Sim Registration Act.

Ito’y makaraang sabihin ng NTC na hindi maituturing na ‘silver bullet’ ang batas para labanan at masawata ang paglipana pa rin ng mga text scams.

Ayon kay Escudero, sa halip na puro palusot ang gawin ng NTC kailangang magpaliwanag ng komisyon kung bakit hindi naging epektibo ang batas laban sa pagpapatigil ng mga text scams.


Kailangan din aniyang sabihin ng NTC kung anong kailangang mga hakbang para labanan at mapuksa ang mga text scams na sakit sa lipunan.

Magkagayunman, wala namang pananagutan ang NTC sa hindi epektibong pagpapatupad ng Sim Registration Act pero may kaakibat itong non-feasance dahil sa kabiguang ipatupad ang batas.

Facebook Comments