Pinahinto muna ng National Telecommunications Commission (NTC) sa mga telecommunication companies (telcos) at internet service providers (ISPs) ang lahat ng kanilang repair at maintenance works ngayong panahon ng halalan.
Ayon sa NTC, naglabas na sila ng memorandum circular noong Abril 25 na nag-uutos sa mga telco at ISP na magpatupad ng “network freeze” mula May 4 hanggang 14, 2022.
Layon nito na matiyak na walang pagkaantala sa telecommunication services at patuloy ang digital connectivity ng election related communications sa panahong ito.
Gayunman, papayagan naman ang emergency repairs sa kondisyon na dapat maabisuhan ang NTC tungkol dito.
Facebook Comments