NTC, pinakikilos ni Senator Revilla hinggil sa mga kumakalat na personalized spam text messages

Hinimok ni Senator Bong Revilla Jr., ang National Telecommunications Commission (NTC) na imbestigahan ang madalas na paglipana ng spam at phising text messages na natatanggap.

Para kay Revilla, nababahala ito sa kung paano nakukuha ng mga kawatan ang personal na impormasyon ng mga message receipients kung saan binabanggit ang buong pangalan ng isang indibidwal.

Dagdag pa ng mambabatas, sa sobrang talamak nito ay kahit anong oras ay pwede kang makatanggap ng naturang mensahe.


Dahil dito ay personal nang sumulat ito kay NTC commissioner Gamaliel Cordoba upang imbestigahan ito.

Samantala, hinimok din ng advocacy group na Digital Pinoys ang National Privacy Commission na imbestigahan kung sangkot ba ang mga local companies na nangongolekta ng personal information sa pagbebenta nito sa mga third-party institutions.

Batay sa mga naunang imbestigasyon ng NTC na ilan sa mga spam text ay posibleng bahagi ng isang pandaigdigang organisadong sindikato.

Facebook Comments