NTC ,pinasasagot ng senador sa alegasyon ng IT advocacy group na defective ang first network audit ng Dito-ChinaTel

 

DAPAT sagutin ng National Telecommunications Commission (NTC) ang alegasyon ng isang IT advocacy group hinggil sa technical audit nito sa DITO-ChinaTel, ayon kay Senadora Risa Hontiveros.

“If the agency will not be able to do so, it will only add to the public’s suspicion that it may be at the behest of the China-backed third telco. Hawak sa leeg din ba ng Tsina ang sarili nating ahensiya?” pagtatanong ni Hontiveros.

Ang franchise renewal ng third telco ay inaprubahan ng mga senador sa committee level sa gitna ng alegasyon ng Democracy.Net.Ph na ang unang network audit na isinagawa nitong Pebrero ay depektibo.


Sa pagdinig ng Senado noong Miyerkoles, sinabi ni Democracy.Net.Ph co-founder Pierre Galla na pinayagan ng NTC ang sampling ng limitadong bilang ng mga barangay upang matukoy kung nakatugon ang DITO sa first year commitment
nito sa gobyerno.

Ayon kay Galla, sa halip na i-test ang mahigit sa 8,800 barangays upang mapatunayan kung natupad ng DITO ang pangako nito sa unang taon na i-cover ang 37 percent ng populasyon ng bansa, pinayagan ng NTC ang sampling sa 2,671 barangays lamang.

Aniya, ang field tests ay isinagawa rin sa 200 cell sites mula sa 1,602 active sites ng DITO.

Sinabi pa ng lady senator na marami pang katanungang dapat sagutin.

“Has undue partiality really been shown
to DITO during both the bidding and the audit process? Under this administration,
a declared ally of the Chinese regime, could DITO have lost the bidding and is there really a chance it will not pass this audit?”

Nauna nang sinabi ni Senadora Grace Poe, chairman ng Senate public services committee, na iginawad sa DITO ang third player status dahil lumabas sa pagsusuri na may kakayahan itong makipagkumpetensiya sa dalawang iba pang major players.

Sinimulan ng DITO ang commercial rollout nito noong Lunes, March 8, sa 15 lugar sa
Visayas at Mindanao. Inaasahang magiging available ito sa buong bansa sa kalagitnaan ng 2021.

Hanggang press time ay hindi pa nagbibigay ng kanilang panig ang DITO sa isyu.

Facebook Comments