NTC pinatitiyak ang tuloy-tuloy na serbisyo ng Telcos sa gitna nang banta ng bagyong Tisoy

Inatasan ng National Telecommunications Commission (NTC) ang lahat ng Telecommunication entities sa buong bansa na maging handa sa pagtama ng bagyong ‘tisoy’ na may international name Kammuri.

Sa kanyang memorandum, pinatitiyak ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba sa lahat ng nasa sektor ng telekomunikasyon na siguraduhin na sapat ang bilang ng mga technical at support personnel nila na magbabantay para ma siguro ang tuloy-tuloy na serbisyo publiko sa gitna ng kalamidad.

Higit na ipinaalala ng ahensiya ang pagkakaroon ng standby generators na may extra fuel, tools at spare equipment sa mga lugar na tatamaan ng bagyo.


Inatasan din ni Cordoba ang mga telecommunication companies na maghanda ng mobile cellsites upang kagyat na magamit oras na bumigay ang linya ng komunikasyon sa mga rehiyon na apektado ng bagyo.  At dahil kasalukuyang ginanap sa bansa ang 30th South East Asian(SEA) Games, inabisuhan din ng opisyal ang mga Telcos na regular na makipag-ugnayan sa PAGASA para mahigpit na monitoring ng Tropical Cyclone advisory.

Itinalaga naman ni Cordoba si Director Jovita V. Chonglo bilang Focal person ng NTC sa SEA Games kung saan maaring makipag-coordinate sa kanya ang mga nasa hanay ng komunikasyon.

Facebook Comments