NTC, pinuri ng DICT dahil sa maayos na serbisyo

Pinuri ni Department of Information and Communications Techonlogy (DICT) acting Secretary Eliseo Rio, Jr. ang National Telecommissions Commission (NTC) sa pamumuno ni Commissioner Gamaliel Cordoba dahil sa maayos na serbisyo.

Sa kanyang social media post ni Rio, ibinahagi niya ang dokumento mula sa Civil Service Commission (CSC) at kanyang itong binati dahil sa papuring tanggapang ng CSC contact ng bayan mula sa isang nagngangalang Sam Florentino.

Ayon kay Florentino, na kamakailangan lamang ay kumuha siya ng radio operator examination sa NTC at kanyang inaasahan na magulong sistema sa tanggapan ng gobyerno.


Pero laking gulat niya na maayos,  organisado at nasa takdang oras na alas-8 impunto ng umaga nagsimula ang pagsusulit.

Inilabas kaagad ang resulta ng eksaminasyon na mas maaga pa kaysa sa itinakdang petsa at ito ay nakabase sa “first- come, first-serve basis”.

Samantala, umaasa naman si CSC Director IV Maria Luisa Salonga-Agamata na ang rekomendasyon ni Florentino sa NTC ay magsisilbing daan at inspirasyon para mas lalo pang paigihin pa ang maayos, magalang ang episiyenteng  serbisyo-publiko

Facebook Comments