NTC REGION 1, IBINAHAGI ANG ‘BIRD’ TECHNIQUE LABAN SA TEXT SCAMS NGAYONG HOLIDAY SEASON

Nagbigay ng paalala ang National Telecommunications Commission (NTC) Region 1 sa publiko kaugnay ng paglaganap ng text at online scams ngayong Holiday Season.
Sa Pantongtongan Tayo virtual presser na inorganisa ng PIA Pangasinan, ibinahagi ni Atty. Ana Minelle Maningding, Legal Officer ng NTC Region 1, ang mga hakbang upang maiwasang mabiktima ng mga mapagsamantalang kawatan.
Inirerekomenda ng NTC ang paggamit ng BIRD Technique o ang Block, Ignore, Report, at Delete sa pagtugon sa mga kahina-hinalang mensahe, lalo na kung ito ay mula sa hindi rehistradong numero.
Ayon kay Atty. Maningding, maaaring i-report ang mga insidente sa pamamagitan ng opisyal na website ng ahensya sa ntc.gov.ph. Binigyang-diin din niya ang kahalagahan
ng pag-verify ng anumang natanggap na impormasyon bago maniwala o tumugon, lalo na kung may kinalaman ito sa pera.
Hinimok ng NTC ang lahat na maging mapagmatyag at palaging mag-ingat, lalo na sa panahon ng Kapaskuhan kung saan mas aktibo ang mga scammer sa pag-atake. Ang naturang kampanya ay bahagi ng patuloy na inisyatibo ng NTC upang maprotektahan ang publiko laban sa mga cyber at telecommunication-related scams. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments