Nitong Miyerkules, April 26, 2023 ang sana’y huling araw o orihinal na araw ng huling registration ng sim card na itinalaga ng pamahalaan ngunit sa kabila ng pagpapalawig ng registration na ito ay muling nagpaalala ang National Telecommunications Commission (NTC) Region 1 sa publiko na magparehistro ng kanilang SIM cards.
Nito lamang Martes, April 25, nang sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na extended ng 90-days ang registration ng sim card.
Sinabi ni Atty. Ana Minelle Maningding, ang legal officer ng NTC Region 1, na ang layunin ng pagpapalawig sa deadline ng SIM registration ay upang bigyan daan at pagkakataon na makahabol ang mga indibidwal na hindi pa nakakapag-parehistro.
Ayon pa sa kanya, kadalasan umano na dahilan kung bakit hindi pa nakapag-parehistro ay dahil sa kawalan ng ID ng ilan at ang iba naman ay dahil hindi nila alam ang proseso ng pagpaparehistro kung kaya’t hinayaan lang nila ito.
Dahil dito, ikinonsidera ng pamahalaan na palawigin ang registration para mayroong sapat na panahon sa pagpaparehistro at para makakuha pa sila ng mga government issued ID.
Base sa pinakahuling datos ng NTC Region 1, nasa 87,442,982 o katumbas ng 52.04 percent pa lamang ang bilang ng mga SIM cards sa Ilocos Region ang nakarehistro na hanggang nitong Abril 24.
Samantala, upang makatulong sa mga indibidwal na hindi nakakapag-parehistro ay nagsasagawa ngayon ng NTC Region ng mga facilitated Sim Registration sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon.
Dagdag pa niya, mayroon na silang natulungan na nasa 13,000 plus na kadalasan umano ay mga senior citizens na keypad ang telepono.
Ipinaalala pa ng ahensya na libre ang pagpaparehistro ng SIM at walang babayaran na kahit ano.

Facebook Comments